Obispo sa Kamara: FOI Bill aksyunan

DAPAT na umanong aksyunan ng mababang kapulungan ng kongreso ang matagal nang nakabinbing Freedom of Information (FOI) bill, na matatandaang hindi naipasa sa 14th Congress dahil sa kawalan ng sapat na panahon.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng  National Secretariat for Social Action – Justice and Peace of the (NASSA) at convener of “Kilusang 99%,” dapat tularan ng mga ito ang Senate Committee on Public Information dahil sa pag-isponsor ng committee report na nagko-consolidate sa FOI Bill upang madala na sa plenaryo
.
Ani Pabillo, malaki ang maitutulong ng FOI bill para maresolba ang kawalan ng transparency sa mga opisyal ng pamahalaan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply