Obispo sa mananampalataya: Tulungan mahihirap na mag-aaral

HINIKAYAT ni Manila Archbishop Luis Antonio “Chito” Tagle ang bawat mananamplataya na maging sensitibo sa pangangailangan ng mahihirap na pamilya para sa pagpapa-aral ngayong pasukan.

Ayon kay Archbishop Tagle,  marunong umunawa ang tunay na Katoliko at anak ng Diyos  sa  pangangailangan ng kapwa .

Aniya, ngayong nagsimula ang pasukan, ang lahat ay hinikayat na tumulong  para sa mahihirap na  mag-aaral upang magkaroon ng oportunidad na pumasok sa mga eskuwelahan.

Dagdag pa ng Arsobispo, ang pagtulong sa kapwa at pagkakawanggawa ay gawaing  pagpapakabanal .

“The more  distant to human is not of being holy, and God has a human heart, I’m,. kaya nga  tayo bilang tao alam  natin  dapat ang hinihingi ng puso ng ating kapwa, katulad ngayon simula na ng  klase ang iba  problem, pang matrikula  ng anak, ang problema ng mahihirap kung ano ang ipababaon sa kanilang mga  anak. Pero  kapag  may lumapit sa atin ay mumurahin  pa natin at hindi natin tutulungan bakit hindi tayo makaunawa … tayo  din ay may pangangailangan bakit  hindi  natin maunawaan ang puso ng  nangangailangan,” sabi ni Tagle.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply