Obispo: Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF,GRP tatalakayin sa plenary assembly

TINIYAK ni Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad na tatalakayin ng Catholic Bishops Conference of Philippines (CBCP) sa darating na Plenary Assembly sa Hulyo a-7 hanggang sa a-9 ang peace process sa pagitan ng MILF at gobyerno.

Ayon kay Jumoad, sa nasabing pagpupulong malalaman ang opisyal na tindig o pahayag ng Simbahang Katolika sa nasabing  usapang pagnakapayapaan.

Umaasa ang obispo na magkasundo na ang magkabilang panig upang tuluyan ng makamtan ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Sa panayan kay Bishop Jumoad, ikinatuwa nito ang ceasefire o tigil putukan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at ng pamahalaan.

“Halos anim na buwan ng walang nagaganap na karahasan sa Mindanao dahil sa tigil putukan ng magkabilang panig habang nagaganap na peace talks,” sabi ng Obispo.

“Ikinatutuwa po natin yan. Malaking bagay po yang tigil putukan ng magkabilang panig lalo na sa ating mga ordinaryong mamamayan. Makakaasa po kayo na magbibigay ng statement ang CBCP sa usapin ng peace talk. Sa July 7 to 9 ay magkakaroon kami ng CBCP plenary at tiyak na pag-uusapan namin yan,” bahagi ng pahayag ni bishop Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply