OFW na namatay sa Qatar di aayudahan ng OWWA

MISMONG ang tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration Region 10 (OWWA-10) ang nagkumpirma na hindi nila matutulungan ang namatay sa sunog na OFW sa Qatar kamakailan.

Ani Harry Borres, officer-in-charge ng OWWA program services division na hindi nila mabibigyan ng financial assistance ang pamilya ni Margie Yecyec dahil hindi ito miyembro ng OWWA.

Dagdag pa ni Borres, kapag inayudahan nila ang biktima na namatay sa sunog sa isang mall sa Doha ay maaari silang kasuhan ng malversation of funds.

Si Yecyec ay isa sa apat na Pinoy na namatay sa sunod sa Villago Mall noong Lunes.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply