Oil companies nagpatupad ng rollback

UMARANGKADA na naman ang panibagong tapyas sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis ngayong araw.

Epektibo kaninang hatinggabi tinapyasan ng Shell, Eastern Petroleum, Petron at Seaoil ng 30 sentimos ang presyo ng kada litro ng kanilang unleaded at premium gasoline, 65 sentimos sa diesel, 60 sentimos sa kerosene at 40 sentimos sa regular gasoline.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, nag-rollback ang Phoenix Petroleum ng 30 sentimos sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina at 65 sentimos sa diesel.

Sa ganitong oras din ipinatupad ng Total ang kanilang 30 sentimos rollback sa kada litro ng unleaded at premium gasoline, 40 sentimos sa regular gasoline at 65 sentimos sa diesel.

Ang tapyas presyo ay ika-siyam na pagbaba ng presyo ng krudo ngayong taon kasunod pa rin ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply