Oil price rollback magtutuloy-tuloy

POSIBLENG magtuloy-tuloy pa ang oil price rollback na mararanasan ng mga car owner sa mga susunod na araw.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, sa pagpapatuloy ng pagbaba ng krudo na inaangkat sa world market malaki ang posibilidad na bumaba ang presyo ng produktong petrolyo sa mga oil company.

Sakaling matuloy ang oil price rollback, ito na ang ika-11 bawas presyo sa langis na maitatala.

Nabatid na aabot na sa kabuuang P7.77 kada litro ng gasolina at P7.06 kada litro ng diesel na ang maibabawas sa presyo ng produktong petrolyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply