Oil spill sa Agno, Pangasinan pinangangambahan

NANGANGAMBA ang ilang mga residente sa Agno, Pangasinan sa posibleng idudulot na oil spill ng sumadsad na MV Chanda sa karagatang sakop ng Macabubuni, Agno.

Nagbigay na ng ultimatum ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Genesis Investment Limited para alisin ang lumubog nilang barko sa lugar ngunit hindi ito tumugon sa kautusan.

Sa ngayon, nakikitaan na ng mga residente sa lugar na ilang mga debris sa pampang mula sa nasabing barko na may langis na siyang nakakasira sa yamang dagat sa karagatan.

Nabatid na matagal nang nakatengga ang MV Chanda 12  sa lugar at naglalaman ito ng 13,000 litro ng langis at anim na metriko ng aspalto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply