Oil spill sa paglubog ng barko sa Palawan pinawi

PINAWI ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ulat na maaaring magdulot ng oil spill ang paglubohg ng MV Josille II sa karagatan ng El Nido, Palawan.

Ayon kay PCG Spokesperson Lcdr. Arman Balilo, ang nasabing barko na pag-aari ng Atienza Shipping Company ay walang lamang bunker fuel.

Bukod dito, sinabi ni Balilo na hindi naman umano mapanganib ang diesel na laman nito dahil kusa itong nalulusaw sa hangin.

Ginawa ni Balilo ang pahayag kasunod ng pangamba na makakaapekto ang paglubog ng nasabing barko sa isla ng El Nido.

Matatandaan na siyam ang iniulat na nasawi, isa ang nawawala at 51 ang nakaligtas sa paglubog ng nasabing barko dahil sa masamang lagay ng karagatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply