Ok si Brig. Gen Rey Ordoñez

ILANG araw lang ang nakararaan ay iniulat ni Commissioner Ruffy Biazon ang pagkakasabat ng Bureau of Customs operative ng smuggled rice na nagkakahalaga ng P10 million.

Ang ipinuslit na tinatayang 4,000 sako ng bigas mula sa ibang bansa na natagpuan sa 10 container vans ay dagdag sa listahan ng lumolobong accomplishment ni Biazon.

Ano ngayon ang masasabi ng mga asar sa kasalukuyang liderato ng Aduana. ‘Yan ba ang sinasabi nilang tutulog-tulog si Comm. Biazon laban sa smuggling? Mula nang si Biazon ang naging BOC boss, aba’y huli rito, huli roon ang ginagawa sa mga halang ang mga bituka na nasa-likod ng smuggling activities sa waterfront.

Nasaan na ang mga food leader kuno sa bansa na sumasaliwa sa maningning na imahe ng Customs chief para lamang ito masira sa mata ng sambayanan?

At  teka – may naamoy akong balita sa mga bubuwit ko riyan sa BOC na isang opisyal ng militar na tumutugon sa pangalan na B/Gen. Reynaldo Ordoñez ang galit sa mga smuggler. At ayon pa sa ulat, itong si Ordoñez na nakatalaga sa opisina ni Deputy BOC Comm. Danilo Lim ang responsable sa pagkahulog ng mga smuggler.

Kasama raw ito ni Lim sa kanyang kapanahunan sa Armed Forces of the Philippines at tulad niya (Lim), si Ordoñez ay magaling at maaasahang detective.

Akala mo’y astute police dog na sa galing sa pang-amoy sa mga ipinupuslit na kargamento ay timbog kaagad ang mga masasamang loob diyan sa BOC.

Aba eh, magaling na asset, kumbaga itong si Ordoñez sa BOC dahil, ayon sa natatanggap ng Chokepoint na balita, siya ang personahe na sumasakote sa mga smuggler.  Kung ganun ‘di nagkamali si Biazon at Lim sa pagkuha ng serbisyo ni Ordoñez para maging numero unong kaaway ngayon ng mga halang ang kaluluwa riyan sa BOC.

Kung gayon pala eh, kahit wala si Lim sa Aduana, ‘di mawawalan ng magaling na opisyal ang Aduana dahil nariyan naman si Ordoñez.

Usap-usapan na kasi ang pagbabalik-kandidato ni Lim at Biazon na kasama sa tiket na binubuo ng Liberal Party na pinamunuan ni Sec. Mar Roxas at ni Pangulong Aquino.

Kaya nga kung matutuloy ang pag-alis ni Lim sa BOC, suhestiyon natin ay si Ordoñez ang papalit sa kanya bilang pinuno ng Intelligence Group sa Customs. Okey si heneral dahil sa kanyang angking galing sa intelligence build-up ay bumabango nang husto ang BOC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply