One-strike policy inutil

KUNG may dapat sisihin sa ‘di maayos na pagpapairal ng one-strike policy ng kapulisan, ito ay si police Dir. Gen. Nicanor Bartolome.

Bakit kanyo? Aba eh, kitang-kita ang kainutilan ng pulisya na ito sa mga hepe na may pananagutan na pero ‘di naman nasisibak.

Ang one-strike policy, ayon sa liderato ng kapulisan ay pinaiiral sa mga police chief na nagpapabaya o ‘di ginagampanan ang trabaho.

Halimbawa ay nagkaroon ng sunod-sunod na malalaking holdapan, gaya ng bank holdup sa isang lungsod o bayan, ang hepe ay matatanggal ayon sa principle ng one-strike policy.

Masisibak  din  ang police

chief na mahuhulihan ng Camp Crame na may operas-yon ng iligal na sugal sa kanilang hurisdiksyon.
Pakiwari natin, kung talagang paiiralin ang polisiya na ito, aba’y sigurado tayo na sangkaterbang  police chief ang masisibak.

Isang bagay na napapansin din natin, eh, pinipili lang ng mga bossing Crame ang mga hepe na isinasailalim sa one-strike policy.

Sa madali’t sabi, may favoritism na nangyayari sa pagpapairal ng polisiya na ito.

Kaya ang pakiwari ni Mang Juan, ang one-strike policy ng kapulisan ay walang silbi. ‘Yan ang totoo.

Hamon kay Gen. Bartolome

Huwag nang lumayo si Gen. Nick Bartolome sa paghahanap ng mga palpak na hepe ng sumasalungat sa kanyang one-strike policy.

Diyan lang sa lungsod ni Quezon City Mayor Bistek Bautista, ‘di lamang kinukunsinti ng isang police colonel ang iligal na sugal sa kanyang lugar, kundi siya mismo ang operator ng jueteng at lotteng.

Pakiwari ba natin, eh, napakahina ang intelligence gathering ng mga bata ng director general dahil ‘di alam ang pinaggagawa ng isang Col. Mendoza.

Si Mendoza, kasama ang isang police pa rin na tumutugon sa pangalan na Sgt. Asinas ang itinuturong mga protector at operator ng mga sugalan sa Kyusi.

Ang codename ng jue-teng nina Mendoza at Asinas ay Oro at may kasosyo sila sa lotteng.

Hamon natin kay Gen. Bartolome, pairalin niya ang one-strike policy laban sa hepeng ito at kay QCPD director Chief Supt. Mario dela Vega.

Aabangan natin ang ak-siyon ng butihing heneral.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply