Opinyon ng karaniwang tao

FIESTA ng Kamuning at nagkita kami ng isang kaibigan na itago ko na lang sa alyas niya na si Pareng Cocoy. Matagal kaming hindi nagkita at nakatutuwa naman at masayahin pa rin siya at successful sa buhay. Bagama’t kilala siya ng maraming “malalaking pulitiko” ay hindi niya inabuso ang mga ito.

Sabi nga ni Pare, mas gusto niyang kasama ang mga tulad ko na wala sa puwesto dahil alam niya na iilan lamang ang maituturing kaibigan kapag wala na sa puwesto ang isang opisyal sa gobyerno.

Broadcaster din si Pareng Cocoy kaya kapag kakuwentuhan mo, eh, parang nakikinig ka sa kanyang programa sa radyo. “Pareng Ariel, pagbalik mo sa Konseho, ituloy mo yung programa mo sa mga vendor. Imbes na ayusin sila, eh, pinaaalis sila! Hindi naman mawawala yan. Third world country ang Pilipinas kaya malaking bahagi ng ekonomiya natin ay galing sa underground economy.”

Naalala ni Pareng Coco yang isang ordinansa ko na sa halagang isang daang piso lang ay rehistrado na ang mga vendor sa Lungsod Quezon para hindi na sila kotongan ng mga tiwaling pulis at ilang gahaman na opisyal.

Pag rehistrado na sila ay iayos sila sa mga vending site para makapaghanapbuhay.

‘Di man niya minamaliit ang ilang proyekto ng gobyerno pero puro libreng tule, kasalang bayan, liga ng basketball, infra na di kailangan ang kanyang madalas makita.

“Okey naman yan, pare, pero may iba pang magagawa. Uso na ang mga Sunday Market dito di ba? Gawin natin iyan sa barangay! Anyayahan natin ang mga negos-yante ng lungsod. Kada Biyernes, may pamilihang bayan sa ba-rangay. O kaya naman mga tagabarangay mismo ang magtitinda roon.

Bagama’t pareho kaming bano sa computer ni Pareng Cocoy, aminado kami na kailangang matuto ang bata na gumamit ng computer. Ang problema nga lang ay mas ginagamit ng kabataan ang dunong sa computer sa laro o sa pagkukuwentuhan o pagkakaibigan. “Pero, Coy, wala pang computers ang la-hat ng public schools. Meron ang iba pero kulang!”

“Mag-umpisa muna tayo, pare, sa bond paper. Gawin nating keyboard yan. Turuan lahat mula Kinder gamit ang bond paper. Pag marunong na pumindot ng keyboard, madali na yan pag may computer na.”

Marami akong natutunan kay Pareng Cocoy na maaari ring matutunan ng iba. ‘Di naman opisyal si pare pero tulad ng marami sa atin, kailangan lang pakinggan din ang opinyon nila. Dahil dapat lang naman na bawat isa sa atin ay may malasakit sa bayan at pagmamahal sa kapwa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply