Oposisyon sa admin: GMA pagpiyansahin na

NAGMAKAAWA ngayon ang oposisyon sa administrasyong Aquino at kay Pasay City Regional Trial Court Judge Jesus Mupas na payagan nang makapagpiyansa at mai-house arrest si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isang press conference, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na “konting compassion naman kasi maysakit siya (GMA), not yet proven guilty at babae.”

Umaasa si Suarez na sasang-ayunan din ng publiko na mahina ang kasong electoral sabotage na inihain laban kay Ginang Arroyo dahil wala naman aniyang matibay ebidensya na magdidiin sa dating Pangulo ukol sa dayaan noong 2007.

“The sole witness, former Maguindanao administrator Norie Unas is damaged goods. His testimony is uncorroborated hearsay, he has been linked to the Maguindanao massacre.

Ganito rin ang pahayag ni Siquijor Rep. Orlando Fua na nagsabing kahit saang korte basta hindi matibay ang ebidensya ay pinapayagan ang isang akusado na magpiyansa.

Kahit nakakahiya aniya sa parte ng administrasyon dahil ito ay mangangahulugan ng pag-amin na mahina ang kaso ay kailangan pa ring mangibabaw ang katapatan at hustisya.

Samantala, nagtitiwala rin si Suarez na mananalo pa si Arroyo kapag tumakbo pa itong kongresista ng kanyang distrito kahit nakabilanggo katulad ni dating Zamboanga Rep. Romeo Jalosjos na bagama’t nabilanggo ay naghain ng kandidatura at nanalo pa bilang kongresista.

Bukod pa rito ang kaso ni Senador Antonio Trillanes IV na bagama’t nakabilanggo ay nanalo pa rin bilang senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply