Oust PNoy movement, ilulunsad

ILULUNSAD sa Martes ang isang kilos protesta para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Benigno Aquino lll sa puwesto.

Ayon kay Linda Montayre, lead convenor ng Oust PNoy Movement, kasabay ng paggunita ng June 12, Independence Day ay magsasagawa sila ng kilos protesta dakong 2:00 ng hapon sa Plaza Miranda, Quiapo, Maynila para ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Aquino.

Samantala, aminado naman si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na hindi na niya ikinagulat kung marami mang grupo ang nananawagan ngayon para patalsikin sa puwesto ang pangulo

Aniya, inaasahan na niya ito dahil noon pa man ay marami nang grupo ang tutol na maupo si PNoy bilang pangulo ng bansa.

Naniniwala umano kasi ang mga ito na naluklok lang sa puwesto ang pangulo dahil nadala lamang o nahatak sa kasikatan ng kanyang mga magulang, partikular na nang mamatay si Tita Cory, dahil sa sakit na colon cancer.

Sinabi pa ni Cruz na kung tutuusin, simula ng maging Kongresista at Senador si PNoy ay wala naman itong nagawa sa bansa.

Sinabi pa nito na ang pagkakaroon ng “Oust PNoy movement” ay indikasyon lamang na hindi na natutuwa ang taumbayan sa Pangulo at tiyak na marami pa ang makikisimpatya sa mga ito.

“Expected ko na yang pagkakaroon ng mga Oust PNoy movement! Noon pa man ay marami na talaga ang tutol kay PNoy,” ayon kay Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Sabi nga e nadala lang daw ni PNoy ang kasikatan ng kanyang mga magulang. Nung namatay si Dating Pangulong Cory Aquino, maraming tao ang nakisimpatiya e ura-uradang pinatakbo siya bilang pangulo at kaagad na nag-give way si Senador Roxas. Kaya asahan na natin ito! Meron akong mga kakilala, ang ilan ay namumuno sa kanila, iginagalang ko naman yun. At sabi nga nila bahagi ito ng demokrasya sa Pilipinas. Ang magsalita ka ay isang karapatan ayun sa freedom of speech! Maaaring ito ay simula, ewan ko kung saan pupunta pero ito ay isang indikasyon na hindi natutuwa ang mga tao,” paliwanag pa niya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply