Outpost ng PCG sa Pangasinan hinagisan ng IED

HINAGISAN ng improvised explosive device (IED) ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan ang ginagawang detachment ng Philippine Coast guard (PCG) sa bayan ng San Fabian sa Pangasinan dakong alas-onse kagabi (Hunyo 22).

Ayon sa security officer na si Federico Cainggal, ng RMD security agency, nakita niyang umaaligid ang mga suspek at hindi kalaunan ay may inihagis sa outpost at sumabog.

Nabatid na naroroon sa outpost ang mga construction material para sa ipinapatayong detachment ng PCG at Navy sa lugar.

Bagamat wala namang naiulat na nasaktan sa insidente ay agad namang ipinagbigay-alam ito sa pulisya upang maimbestigahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply