Outsider bilang Chief Justice, tinutulan ng SC employees

MARIING tinutulan ng mga kawani ng hudikatura ang pagtatalaga ni Pangulong Benigno Simeon Aquino II ng bagong Supreme Court Chief Justice na hindi manggagaling sa hanay ng Supreme Court Justices.

Sinabi ni Jojo Guerrero, pangulo ng Supreme Court Employees Association, itinuturing nang tradisyon ang pagpili ng Punong Mahistrado mula sa hanay ng limang senior justices bukod sa masasabi rin na tiyak na malalim na ang karanasan at kaalaman sa batas ng mga mahistrado.

Ani Guerrero, nakahanda silang suportahan sinoman ang mahistrado na mahaharap sa kaparehong hamon na pinagdaanan ni dating Chief justice Renato Corona.

Ito’y sa harap ng banta ng ilang kaalyado ni Aquino na posibleng may susunod pang mahistrado na maisasalang sa impeachment proceedings.

Bilang mga kawani ng hukuman, tungkulin din umano nilang protektahan ang independence ng hudikatura.

Kasabay nito, tiniyak ni Guerrero na susuportahan nila sinoman ang mahihirang na bagong Punong Mahistrado basta’t manggagaling sa loob ng Korte Suprema ang maitatalaga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply