P.3-M pabuya sa makapagtuturo sa killer ng board member

NAGLAAN ng P300,000 pabuya ang lokal na pamahalaan sa anomang impormasyon para mahuli ang dalawa pang natitirang suspect sa pang-aambus nitong nakaraang Miyerkules kay third district provincial board member Retnaldo Paras at ang kanyang aide driver sa San Pablo City.

Nag-ambag si San Pablo City Mayor Vicente Amante ng P100,000, habang si Laguna Gov. Jeorge “ER” Ejercito Estregan naman ay nagdagdag ng P200,000 pabuya.

Nagtatag naman agad si Chief Superintendent James Melad, Calabarzon Police Director, ng Task Force Paras na pinangungunahan ni Senior Superintendent Gilbert Cruz, Laguna Police Director, para siyasatin ang pagpatay kay Paras, 55, at sa kanyang driver at bodyguard na si Giovanni Dumaraos.

Ang gunman na si, Eugene Bacoto, 25, na sugatan sa ambush ay namatay kahapon ng umaga sa provincial hospital sa San Pablo City.

Naunang na nang kinasuhan ng pulisya sina Bacoto, Ricky Valdez alias Avatar, at isang nagngangalang B.  kaugnay sa nasabing pananambang.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply