P.5-M troso nasabat sa Quezon Province

NASABAT ng Quezon Environment Enforcement Group ang mga iligal na troso na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000 sa isinagawang operasyon sa Barangay Umiray at Barangay Kanaway sa General Nakar, Quezon Province.

Nabatid na nasa 70 tipan ng mga troso ang nakalas at nahulog sa karagatan matapos na nagmamadaling tumakas ang mga illegal logger habang binabatak ng mga motor banca sa laot.

Sa kabila nito, walang nahuling mga illegal logger na responsable sa pagpupuslit ng may kabuuang 194 na troso.

Gumamit pa ng pitong malalaking trak ang awtoridad upang hilahin ang mga nasabat na kahoy na ilalagak sa compound ng Quezon Rural Development Academy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply