P1.4B PNP ‘gun license deal’ sisiyasatin

SISIYASATIN ng Kamara ang isang P1 bilyong ‘gun license deal’ na diumano’y pinasok ng dating administrasyong Arroyo ng walang public bidding.

Snabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na kanyang paiimbestigahan ang nasabing transaksyon na naganap diumano sa mga huling araw ng administrasyong Arroyo .

Nakapaloob sa House Resolution 2459 ni Rodriguez na atasan ang House Committee on Public Order and Safety na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa P1.4 bilyon kontratang pinasok ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa Nanjing Industrial Tools and Equipment Co.

Inihain ni Rodriguez ang resolution matapos na mabigo ang investigative body na itinatag noong nakaraang ni PNP Chief Gen. Nicanor Bartolome na magpalabas ng resulta sa kabila ng ibinigay na deadline ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo noong Marso 30.
Banggit pa ni Rodriguez na walang resolusyong inilabas ang PNP at wala ring mabilis na aksyong ginawa ang DILG gayundin ang Malakanyang kaya’t nais nitong paimbestigahan sa Kongreso ang nasabing anomalya.

Sumingaw ang nasabing anomalya sa hearing ng Senate budget committee noong Nobyembre nang kuwestiyunin ni Sen. Panfilo Lacson kung bakit ang P150 bayad para sa license cards para sa mga gun holders at security guards na inisyu ng PNP Firearms and Explosives Office(FED0) at Supervisory Office for Security Agencies ay direktang binayaran ng Nanjing kahit walang standard government payment mula sa Land Bank.

Iginawad ang naturang kontrata noong Marso 2010 sa panahon ni dating PNP Chief  ni Gen. Jesus Versoza na nakasuhan din kasama si dating First Gentleman Mike Arroyo sa Sandiganbayan dahil sa kontrobersyal na bentahan ng second hand choppers na ipinasa bilang brand new sa PNP noong 2009.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply