P10 M ‘hot rice’ nakumpiska ng BOC

NAKUMPISKA ang Bureau of Customs’ (BOC) ng P10 milyong halaga ng ‘hot rice’ sa loob ng walong 20-footer container vans na mula sa China na ikinasang misdeclared ng Afidee Trading bilang aluminum frames at kitchen wares.

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Bianzon, na ang pagkumpiska sa aabot sa 4,000 bags ng imported rice na dumating sa Port of Manila (POM) ay hindi lamang isang manipestasyon ng BOC para labanan ang smuggling kundi sinasalungat nito ang pahayag na ang ahensya ay natutulog sa pansitan sa pagsugpo ng smuggling ng food and agricultural products.

“The seizure of this illegal rice importation is the result of our heightened monitoring of all food and agricultural products importations in the country,” dagdag ni Biazon, at idinagdag na  “There may be other attempts to smuggle all sorts of goods into the country. But BOC officials, like the Enforcement Group (EG) operatives under Deputy Commissioner Horacio P. Suansing, Jr., who caused the seizure of this illegal rice shipment, will always be ready to stop this illegal trade, no matter who are involved in it.”

Nauna rito, nakumpiska rin ng BOC ang may P2.8 milyong halaga naman ng imported onions na mula rin sa China

Sinabi ni Suansing na inalerto niya ang illegal rice shipments matapos makatanggap ng ulat mula sa kanyang ahente hinggil sa suspicious common address ng two consignees.

“After evaluating the post surveillance report of my agents indicating the common address of consignees Seph Gabrilled Enterprise and Afidee Trading, a single room office space at Unit 349 FEMII Bldg., Intramuros, Manila, I immediately issued the order to alert the rice shipment,” pahayag pa ni Suansing.

“A common address for two or more different importers, especially the one room type office space, is a red flag for possible bogus or fictitious importers. This usually indicate ill financed front or bogus companies,” dagdag pa ni Suansing.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply