P13M inilaan ng DSWD sa mga maapektuhan ni ‘Butchoy’

NAGLAAN ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng halagang P13 milyon bilng stand-by fund para sa mga maaapektuhan ng bagyong “Butchoy.”

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang naturang pondon ay gagamitin sa relief operations at panggastos sa pangangailangan ng mga ililikas na mga pamilya.

Nakaantabay na rin ang mga tauhan ng DSWD Regional Offices maging ang mga local government units para sa agarang pagtugon sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Samantala, patuloy ding naka-monitor ang Palasyo hinggil sa bagyong Butchoy lalo na sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply