P1M natangay ng budol-budol gang sa retiradong DepEd official

TUMATAGINTING na mahigit sa P1milyong halaga ng alahas at cash ang natangay sa isang retired director ng Department of Education Culture and Sports (DECS) o ang kasalukuyang Department of Education (DepEd) nang mabiktima ng budol-budol gang sa Sta.Ana, Maynila.

Sa inihaing reklamo kahapon sa Manila Police District-Genenral Assignment ni Gng. Corazon Santiago, dating director ng DECS-Manila, residente ng No. 2385 Lamayan st., Sta. Ana, Maynila, naganap ang insidente sa pagitan ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 2:00 kamakalawa ng hapon, sa Linao St., Paco at sa Pedro Gil. st., malapit sa Philippine Women’s Universdity (PWU).

Naglalakad umano ito nang madaanan niya ang isang babae na nagpakilalang si Sofia Ng, 25, na umiiyak at humihing ng tulong dahil hindi nito alam ang kanyang pupuntahang lugar na Syquia St.

Habang nag-uusap ang biktima at si Ng ay lumapit naman ang isang nagpakilalang si Sheryl Antonio, 33  ng Gumamela st. Boni Avenue, Mandaluyong City at sumingit sa pag-uusap ng dalawa.

Dito sinabi ni Antonio na alam niya ang hinahanap na Syquia S., kaya naman kasama ito at ang biktima na nagtungo sa nasabing lugar.

Pagdating sa lugar ay isang nagpakilalang Mar Santos naman na paint agent at empleyado umano ng ‘Do it Yourself Marketing” ang sumalubong sa kanila at sinabing kulang ang supply na pintura sa  bodega at kailangan nilang magtungo sa ibang branch.

Nalito ang biktima sa puntong ito ngunit sumama pa rin ito sakay ng isang Toyota Corolla , kulay gray na may plate number TAS 185 at nagpunta lamang umano sa isang Marjarette canteen sa Linao st., Paco , umorder ng kape sila ni Antonio at umalis umano si Ng at si Santos.

Hindi na rin umano namalayan ng biktima nang utusan siya ni Antonio na magtungo siya sa bahay at kunin ang kaniyang mga alahas at pera bago muling sumakay sa taxi na naghihintay sa kanila.

Nagkita-kita ang apat sa canteen at ipinahawak umano ni Ng ang isang bag na kulay pula kapalit naman ang kanyang pera  at alahas saka sinabihang babalikan kung saan iniwan siya malapit sa PWU ngunit hindi na siya binalikan pa.

Nang makapag-isip ang biktima ay binulatlat niya ang laman ng bag at nadiskubreng nakaibabaw lamang ang original na pera na P520.00 at mga ginupit-gupit na papel na nasa ilalim ng mga nakabundle na mistulang pera.

Nang matauhan ay agad siyang nagsumbong sa kanyang asawa at saka nagreport sa himpilan ng pulisya

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply