P2-M naabo sa Quezon City

NAABO ang tinatayang P2-milyon halaga ng mga ari-arian habang nasugatan ang isa makaraang masunog ang pagawaan ng gulong sa Althea Compound, Barangay San Bartolome, Quezon City kaninang medaling araw.

Base sa pahayag ng mga residente sa naturang lugar, narinig nila ang isang malakas na sinundan ng pagsiklab ng malaking apoy na tumupok sa mga ari-arian.

Samantala, sugatan naman sa sunog ang isang empleyado ng pagawaan na kinilalang si Bernie Husana na nahulog sa ikalawang palapag ng gusali at nagtamo ng mga paso sa mukha.

Umabot sa 5th alarm ang sunog na idineklarang fire-out kaninang alas-5:00 ng madaling araw.

Kasalukuyan pang inaalam ng Quezon City Fire Department (QCFD) ang sanhi ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply