P2 Trilyong budget sa 2013, bubusisiin ni PNoy

REREPASUHIN at hihimayin pang mabuti ng pamahalaan ang P2.006-trillion proposed budget para sa taong 2013.

Sa katunayan ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte may mga komento si Pangulong Benigno Aquino III sa ilang nakasaad sa panukalang budget na hindi nito napigilang ihayag sa pulong kamakalawa (Hunyo 29) sa Malakanyang.

“Meron kasing mga comment ang pangulo baka masyadong malaki ito…, the budget can be considered for another time,” ayon kay Usec. Valte.

Isinulat naman, aniya, lahat ni Department of Budget and Management Sec. Florencio Abad ang naging obserbasyon ng Punong Ehekutibo sa inilatag na 2013 national budget subalit hindi naman inihayag ni Usec. Valte kung anu-ano ang mga obserbasyon na ito ng Pangulong Aquino.

“Pakiramdam niya (Abad) parang thesis defense (Budget Secretary Florencio Abad felt he was defending a thesis), but as a whole, okay, the entire budget presentation went well,” ani Valte sabay sabing “There are some refinements to be made (based) on the observation of the president.”

Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na ang panukalang 2013 national budget na aabot sa P2-trillion level ay ilalaan sa mga programang may kinalaman sa social services, pangkalusugan, edukasyon, poverty alleviation at imprastraktura.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply