P20 umento sa sahod epektibo na bukas

EPEKTIBO bukas, matatanggap na ng mga manggagawa sa Metro Manila ang P20 na umento sa sahod matapos aprubahan  ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-NCR ang dagdag-sahod na P30 na cost of living allowance (COLA)  ng mga minimum wage earner sa National Capital Region (NCR) noong nakaraang buwan ng Mayo.

Ayon kay  Atty. Alan Macaraya, direktor ng RTWPB-NCR, dalawang bahagi ang pagbibigay ng dagdag na P30 kada araw na COLA. Ang unang P20 ay epektibong maibibigay bukas at ang huling P10 ay ibibigay makalipas ang anim na buwan.

“Nagdagdag ang wage board ng P30 in two tranches. Upon effectivity P20 ‘yan, then six months after papasok yung P10 so magiging P30,” sabi ni Macaraya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply