P200 multa sa jaywalkers simula bukas

SIMULA na ngayong araw ang kampanya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kontra jaywalking.

Ayon kay MMDA chairman Atty. Francis Tolentino, sisimulan na ngayon ng mga Anti-Jaywalking Unit ang panghuhuli sa mga hindi gagamit ng tamang tawiran tulad ng pedestrian lane at footbridge ngunit pagsasabihan pa lamang ang mga lalabag.

Nakatakda namang simulan ng “Men in Red” ang pagbibigay ng citation ticket na may multang P200 bukas, Hunyo 5.

“Sana po tuloy-tuloy. Bukas po sila magsisimula kaya minarapat naming ibang kulay ang pangitaas nila para madistinguish po sila [kasi] hindi lahat ng tao namin ay allowed na manghuli dahil iba po ang ticket nun.”

Mauunang isagawa ang Anti-Jaywalking campaign sa mga major highway tulad ng tinaguriang killer highway na Commonwealth Avenue kung saan marami ang naaaksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply