P2M ibinigay ni Pacquiao sa mga biktima ng baha sa Sarangani

NAGBIGAY ng P2 milyon si Sarangani Manny Pacquiao para sa relokasyon ng mga naging biktima o naapektuhan ng matinding baha sa kanyang pinamumunuang lalawigan.

Ayon sa kongresista, galing sa sarili niyang bulsa ang P2 milyon para sa relokasyon ng mga biktima ng pagbaha.

Sa pagbisita ng mambabatas sa Glan, Sarangani kahapon (Hunyo 17) ay namahagi ito ng relief goods sa mga biktima ng baha na masayang sumalubong sa kanya.

Batay sa ulat, umabot sa mahigit sa 5,000 katao ang lumikas dahil sa baha.

Nangako rin ang kongresman na bibigyan ng lote ang mga naninirahan sa mga danger area ng lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply