P3-M ari-arian naabo sa sunog sa Kyusi

TINATAYANG aabot sa P3 milyon ang halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na naganap sa isang residential area sa Sampaguita St., Barangay Apolonio Samson sa Balintawak, Quezon City mag-aalas-6:00 kagabi (Hunyo 18).

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Quezon City (BFP-QC) nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Evelyn Lagunsad kung saan narinig ng mga residente ang pagsabog mula sa kusina, na hinihinalang LPG.

Nadamay din sa sunog ang Apolonio Samson Elementary School. Nabatid na nasunog ang apat na silid-aralan at ilid-aklatan sa ikalawang palapag ng paaralan.

Umabot sa 5th alarm ang sunog bago tuluyang naapula dakong 7:00 kagabi.

Dahil dito, walang klase ngayong araw sa nasabing paaralan habang pansamantalang tumutuloy ang 40 nasunugang pamilya sa covered court ng barangay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply