P4.2M pinsala ng ulan sa Sarangani

TINATAYANG umabot sa humigit kumulang sa P4.2 milyon ang kabuuang pinsala ng matinding pagbaha bunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa lalawigan ng Sarangani.

Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa lalawigan, partikular na tinamaan ang sektor ng agrikultura, livestock, imprastraktura at iba pang ari-arian.

Samantala, patuloy namang binabantayan ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga apektadong mga residente sa lugar na umabot sa mahigit 300 katao ang nasagip habang 13 pa ang kasalukuyang pinaghahanap.

Kahapon, personal na binisita ni Congressman Manny Pacquiao ang mga residenteng naapektuhan ng baha sa kanyang pinamumunuang lalawigan upang magbigay-tulong sa mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply