P500M pondo ng DOH para sa birth control, binatikos ng Simbahan

MALINAW umanong pag-aaksaya ng pondo ng bayan ang P500 milyon na ilalaan ng pamahalaan para sa pagbili ng birth control supplies upang umano’y mabawasan ang maternal at child deaths sa bansa.

Ayon kay Father Melvin Castro, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal  Commission on Family and Life (ECFL), kung talagang nais ng Department of Health (DOH) na mabawasan ang problema ay dapat na pag-ukulan nito ng sapat na atensiyon ang pagbibigay ng tamang health care services para sa mga buntis at mga sanggol nila sa sinapupunan.

“They should use that P500 million in improving medical facilities and services instead of wasting that hefty amount on contraceptives,” paliwanag pa ni Castro.

Ang pahayag ni Castro ay kasunod ng anunsiyo ni Health Secretary Enrique Ona na maglalaan sila ng P500 milyon para sa family planning commodities at supplies sa mga community health centers.

Aniya, ang aksiyon ay alinsunod sa pagsusumikap ng pamahalaan na mabawasan ang maternal at child deaths sa bansa, na siyang layunin ng Millennium Development Goal (MDG).

Gayunman, sinabi ni Castro na ‘false justification’ lamang ang sinasabi ng DOH at ginagamit lamang nito ang mga babae para maisulong ang malawakang paggamit ng condom at iba pang artificial family planning methods.

“The contraceptives, by its nature, are population control. So let’s not invoke maternal deaths because they are using the women just to push population control,” aniya pa.

Kumpiyansa naman si Castro na hindi susuportahan ng mga Pinoy ang pagnanais ng pamahalaan na isulong ang paggamit ng contraceptives sa bansa at hindi bababa ang moralidad ng mga ito.

“I trust our people. Even if they give it free, Filipinos with well-formed conscience will not accept it… their morality will not go down,” pahayag pa ng CBCP official.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply