P798-M tulay magkokonekta sa ARCs

ISANG tulay na nagkakahalaga ng P798 milyon ang magkokonekta sa mga agrarian reform communities (ARCs) sa Quezon, Aurora province, at mainland Luzon.

Ayon kay Department of Agrarian Reform (DAR) Gil delos Reyes, ipapatayo ng kanilang ahensya at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang nasabing tulay.

Kamakailan lamang, nilagdaan na ng DAR at JICA ang kasunduan para sa konstruksyon ng 358-linear meter na Umiray bridge na magkokonekta sa Umiray, Quezon hanggang Dingalan, Aurora at mainland Luzon.

“The bridge will greatly help reduce the farmers’ cost of transportation as well as travel time in bringing their produce to trading centers and, at the same time, increase their income,” sabi pa ni Delos Reyes.

Napag-alaman naman mula kay DAR Project Manager Celerina Afable na mahigit 30,000 katao at 13,000 nagsasakang pamilya ang makikinabang sa nasabing tulay na naninirahan sa apat na ARCs na Umiray, Poblacion, Ibona at Matawe.

Idinagdag pa ni Afable na mayorya sa komunidad na ito ang matatagpuan sa silangang bahagi ng Quezon na inihihiwalay ng Umiray River mula sa mainland Aurora at matagal nang naiitsapuwera sa batayang serbisyo ng gobyerno lalo na kapag malalakas ang ulan.

Para naman kay Mr. Ryutaro Kobayashi ng JICA malaki ang maitutulong ng tulay sa mga nakapaligid na komunidad lalo na sa apat na ARCs.

“The construction of this bridge will change the lives of people here. The bridge will not only improve their living conditions, it will also open opportunities for economic growth and development of about 11,000 hectares of agricultural lands,” pahayag naman ni De los Reyes.

Magsisimula ang paggawa sa Umiray bridge sa Disyembre at magtatapos sa Hunyo 2014.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply