P8.2B halaga ang problema sa lisensya

NAIISTORBO sa paghahanapbuhay ang milyong mamamayan sa nagaganap na problema sa pag-iisyu ng driver’s license ng Land Transportation Office.

Hindi ba mahigit sa apat na milyon ang nakarehistrong sasakyan sa repablik ni Juan?

Derpor mahigit na apat na milyon din ang nangangailangan ng lisensya sa driver.

Gaano karami mula sa milyon-milyong nangangailangan ng lisensya ang apektado ng mahigit isang linggo nang problema?

Isipin na ‘di lang ang mga driver ang nagkakaproblema. Maging ang mga sineserbisan ng mga ito ay apektado rin.

Por eksampol, paano ang mga negosyo na tumatakbo at nakadepende sa driver na may lisensya?

Paano ang mga pampasaherong sasakyan na minamaneho ng mga lisensyadong driver na naghahatid-sundo sa mga mananakay?

oOo

Ang sabi, sa sistema sa kompyuter ang problema.

Pero may paliwanag naman na ‘di raw  nagtutugma ang uri ng materyales ng card na gamit ng suplayer sa gusto ng LTO.

Sa paliwanag naman ng iba, matindi pa rin ang kiskisan sa pagitan ng LTO at ang Stradcom, ang service provider na nagsasabing iligal ang ginagawa ng LTO na pagpapahawak sa iba ng pag-iisyu ng lisensya.

Anoman ang mga dahilan ng pagkaparalisa ng LTO sa pag-iisyu ng lisensya, pananagutan ito mismo ng LTO at ng pamahalaan.

Nagkakahalaga ng PHP8.2 bilyon ang kontrata sa pag-iisyu ng lisensya.

Hindi ba rito nauugat ang problema at nagkakaroon ng agawan sa kontrol sa nasabing pondo?

Wataymen, hindi ba ang kagustuhang kumita sa P8.2B ng mga taga-LTO at iba pang korap mula sa kaugnay na ahensya ng pamahalaan ang problema?

Araw na ng pagbabago at dapat na unang atupagin ng mga kinauukulan ang serbisyo publiko at hindi ang pansariling interes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply