P8-M shabu nasamsam sa Pasig

TINATAYANG P8 milyon halaga ng isa’t kalahating kilo ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Eastern Police District (EPD) – Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa isinagawang buy-bust operation sa shabu tiangge sa Barangay Santo Tomas, Pasig City.

Nahuli rin sina Gibar Naserpiang at Seng Bagendang Musa habang sakay ng isang Toyota Revo makaraang magsagawa ng operasyon sa loob ng Grand Monaco Subdivision na ilang hakbang lamang ang layo sa Pasig City Hall.

Nabatid kay EPD District Deputy Director for Operations Antonio Gumiran na isang linggo na nilang isinasailalim sa surveillance ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply