P87.1M gastos ni PNoy et al sa UK at US

TINATAYANG aabot sa P87.1 million ang gastos sa pitong-araw na official trip ni Pangulong Benigno S. Aquino III patungo sa United Kingdom at United States, kung saan ay magkakaroon siya ng bilateral meetings sa mga lider ng mga nasabing bansa.

Umalis si Pangulong Aquino kanina sakay ng Philippine Airlines kasama ang 89-member delegation bilang official guest ng United Kingdom mula Hunyo 4 hanggang 6.

Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na makaraan ang biyahe ni Pangulong Aquino sa UK ay agad itong didiretso sa US para sa isang working visit mula Hunyo 6 hanggang 8 base na rin sa imbitasyon ni US President Barack Obama.

Kasama ni Pangulong Aquino sa nasabing biyahe sina Foreign Secretary Albert Del Rosario, Transportation and Communications Secretary Manuel Roxas II, Finance Secretary Cesar Purisima, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Trade Secretary Gregory Domingo, Tourism Secretary Ramon Jimenez, Energy Secretary Rene Almendras at Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Secretary Ramon Carandang.

Kabilang din sa presidential entourage sina Philippine Ambassador to Washington D.C. Jose Cuisia Jr., Philippine Ambassador to London Enrique Manalo at Presidential Protocol Chief at Presidential Assistant on Foreign Affairs Miguel Perez-Rubio.

Paglalaanan ng budget ang accommodation, telecommunications, transportation, food at equipment.

Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Aquino kay Prime Minister David Cameron upang talakayin ang Philippines-UK political at economic cooperation, ito ang magiging partisipasyon ng Britaniya sa International Contact Group (ICG) para sa peace process, anti-corruption at good governance na ginagawa ng dalawang bansa at iba pang regional at international concerns.

Nakatakda ring pulungin ni Pangulong Aquino ang ilang pangunahing British investors, makiisa sa Philippine fun tourism campaign at pakikipagdayalogo sa Filipino community sa  UK.

Mula sa UK, nakatakdang lumipad patungong Washington D.C. si Pangulong Aquino para sa  one-on-one meeting nito kay President Obama sa Oval Office, ito ang ika-apat na pagkikita ng dalawa simula noong  2010.

Pangunahing agenda ng dalawang lider ang palawigin pa ang bilateral, regional at global issues na salamin ng bawat bansa sa kanilang strategic partnership.

Sinabi ng Foreign Affairs Secretary of State Hillary Clinton ang magho-host ng luncheon meeting kay Pangulong Aquino at sa delegasyon nito sa Benjamin Franklin State Dining Room sa State Department.

Nakatakda ring makipagpulong si Pangulong Aquino sa mga lider ng US Senate na inorganisa naman ni Senate President Pro Tempore Daniel K. Inouye sa Capitol Hill at magiging guest of honor sa paglulunsad ng US-Philippines Society, isang pribadong sektor na ang layunin ay ang mas patatagin pa ang ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa, i-promote ang trade at investment, support common strategic at political goals, at patatagin ang cultural, technological, educational at tinatawag na people-to-people linkages.

Samantala, bago umuwi ng Pilipinas si Pangulong Aquino ay titigil muna siya sa Los Angeles para makipagkita sa Filipino-American community doon kung saan ay sinasabing 3.1 percent ang Pinoy na kumakatawan sa nasabing lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply