Paalala kay MVP: Cellular antennas nakamamatay

ITO ay isang pakiusap lamang kay Ginoong Manuel V. Pangilinan, may-ari ng Smart Telecoms. Ang radio frequency radiation ay mapanganib sa kalusugan ng bayan kaya’t please lang, itigil na ninyo ang pagtatayo ng mga cellular antenna, tower at transmitter sa iba’t ibang mga gusali.

Sa MH del Pilar St. sa Malate ay may isang itinatayong transmitter facility sa tabi ng Stanford Tower at ang mga naninirahan sa building na ito ay nangangamba sa sakit na idudulot ng transmitter na ito na pag-aari ng Smart Telecommunications Co.

Si Horacio Sese ay isa sa mga lubhang nangangamba sa sakunang idudulot ng naturang transmitter na ito hindi lamang sa kanyang sarili at kanyang pamilya kundi pati na sa mga nakatira sa Stanford Tower at karatig na mga gusali at tahanan. Si Sese ay ang pangulo ng homeowners association ng condominium na ito at nananawagan din siya sa Smart Telecoms na huwag na nitong ituloy ang kanilang balakin.

Pero handa raw ang Smart na pumunta sa korte upang labanan ang grupo ni Sese.

Ano ba ang pangambang sinasabi ni Sese? Ayon sa Communications Workers of America, ang radiation na dulot ng cellular radio frequency (RF) ay isang bagay na “you cannot see, you cannot smell” pero madarama ninyo sa kaibuturan ng inyong laman.

Pababagalin ng radiation ang daloy ng inyong dugo at magdudulot pa ito ng leukemia at cancer.

At kayong mga mahihilig sa sobrang paggamit ng cellphone, siguro naman ay narinig na ninyo ang tsismis na nakalalabo ng mata ang cellphone, lalo na sa texting.

Hindi talaga tsismis ‘yan. Lalabo talaga ang inyong mga mata dahil sa lagi kayong exposed sa radiation. Bukod diyan, malamang na magkasunog pa sa inyong bahay o sa inyong condos dahil sa init ng radiation na galing sa mga cellular antenna, tower at transmitter.

Kaya ang aking pakiusap kay ginoong MVP, sana naman ay ilagay ninyo ang inyong mga transmitter at tower sa hindi matataong lugar kung saan safe ang ating mamamayan.

Please lang, sir, huwag sa ibabaw ng mga building. Huwag ninyo sanang patayin ang inyong mga customer, na customer din naman ng Meralco, ng MRT, Fil-Estate, Camp John Hay Development Authority at ng CAP o College Assurance Plan.

By the way, nabayaran na po ba ang mga biktima ng CAP? Nasaan ang konsensiya ng mga may-ari ng CAP, kayong mga sir?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply