Pabahay para sa informal settlers, popondohan ng WB — Binay

PUMAYAG na ang World Bank (WB) sa kahilingan ng Pilipinas na pondohan ang mga itatayong pabahay para sa mga informal settlers nang Kamaynilaan, ayon kay Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni Binay na maglalaan ang WB ng teknikal at pinansiyal na ayuda upang makamit ng Pilipinas ang inaasam na mahigit 3 milyong pabahay para sa mga maralitang taga-lunsod.

Ayon pa sa chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), itatayo ang mga bagong pabahay sa New Bilbid Prison sa Muntinlupa, North Triangle sa Quezon City, San Miguel New Town at sa Welfarevilla sa Mandaluyong City.

Sa kanyang pagdalo sa 5th Global Housing Finance Conference sa Washington D.C. kung saan nakausap nito si WB Executive Director Rogerio Studart, sinabi ni Binay na positibo ang naging tugon ng naturang opisyal sa kanyang kahilingan at gagawin na ang kaukulang hakbangin upang agad itong maipatupad.

Hiniling din ni Binay sa WB na tulungan ang Pilipinas na mabago ang programa nito sa pautang para sa mga mahihirap na walang tirahan, gayundin ang pagbabalangkas ng isang patakaran na maghihikayat sa mga rural bank na magbukas ng isang programa para sa pabahay at pagpapautang.

Sa kanyang pagbisita sa Malaysia, nahikayat ni Binay ang mga Malaysian businessman na silipin ang oportunidad ng negosyo sa Pilipinas, partikular na sa larangan ng agribusiness, housing, finance, tourism at infrastructure.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply