Pacman-Bradley fight bawal sa selda ni Floyd

BAGAMA’T excited din ang marami sa piitan ng Clark County Detention Center na mapanood ang Pacquiao-Bradley fight, maaaring hindi mapanonood ni Floyd Mayweather Jr., ang pay-per-view WBO welterweight fight sa Linggo.

“I am not going to say that he absolutely won’t be able to watch it because it’s in the future,” ani Bill Cassell, ang tagapagsalita ng Las Vegas Metropolitan Police Department, na nagbabantay sa mga preso. “However, nothing special is being done to provide this television program or any other program in the jail. We don’t plan on having pay-for-view in the jail. Now, if ESPN or some other channel runs a repeat, he may be able to view it then.”

Ani Cassell, wala raw kasing telebisyon sa selda ni Mayweather Jr.,  ang tanging kanyang TV privileges ay ang panoorin ang galaw ng lahat ng preso.

At kung mayroon man aniya, “I have no idea who holds the remote,” ani Cassell.

Nitong nakaraang araw, ang laban ni Pacquiao na ilang milya lang ang layo sa piitan ni Mayweather Jr. ay nagsabi si Floyd na, “will pray for his rival.”

Nagsimula nang mapiit si Mayweather Jr., ng kanyang tatlong buwang sentensiya noong Biyernes. Guilty si Floyd sa kasong domestic battery chargers nang gulpihin niya ang dating nobya noong Setyembre 2010 na nasaksihan naman ng dalawa niyang anak.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply