Pacman mamamatay sa suntok ni Mayweather

HINILING ng mga Pinoy boxing fans na huwag nang labanan ni dating pound for pound King Manny Pacquiao si undefeated American boxer Floyd Mayweather dahil siguradong madudurog at baka maparalisa pa umano ang Pambansang Kamao sa lakas ng suntok ng Kano na maaaring mauwi sa kanyang maagang kamatayan.

Ayon sa mga fans, maaaring maalog ang utak ni Pacman sa lakas ng suntok ni Mayweather dahil kitang-kita umano na malaki na ang inihina ng suntok ng Pinoy kumpara noong hindi pa siya pumapasok sa pulitika, bisyo at naging masigasig sa relihiyon.

Kung ikukumpara umano kay Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez ay malayong malayo ang kalidad ni Mayweather.

“Kung si Mayweather ang makalalaban ni Pacman ngayon ay siguradong titimbuwang ang Pinoy dahil sa mas malakas, mabilis malupit si Mayweather kaysa sa mga huling nakalaban ni Pacman,” anang fan.

Ayon din sa mga boxing analysts, kung susukatin ang kalidad ng suntok at performance ni Pacman ngayon ay siguradong ilalampaso lang siya ni Mayweather sa loob ng ring.

“Nawala na ang dating husay at lakas ng kamao ni Pacman, kaya hindi na siya nababagay na ilaban pa kay Mayweather dahil siguradong dalawa lang ang kalalagyan niya – sementeryo o ospital,” ani ng boxing analysts.

Binalaan din ng mga Pinoy fans si Pacman na baka masayang lang ang kanyang naipong pera kung lalaban siya kay Mayweather dahil ang Kano ngayon ang itinuturing na pinakamapanganib na boksingero sa mundo.

“Sayang ang kanyang naipong pera kung mapaparalisa lang siya o kaya ay mamatay sa paglaban kay Mayweather,” wika pa ng fans.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply