Pacman mangangaral sa L.A. at pupunta sa Jerusalem

HINDI na napansin ni Manny Pacquiao ang kanyang timbang.

“Hindi ko na-check (I haven’t checked),” aniya habang nagrerelaks sa kanyang silid sa La Palazzo apartment.

Nakaupo si Pacquiao sa sofa habang naglalaro sa iPads ang mga anak na sina Jimuel at Michael at sa Hello Kitty niya si Princess. Tulog naman ang bunsong si Queenie.

“Wala naman problema. Kain lang ng kain,” ayon sa WBO welterweight champion.

Isang madaliang pag-check sa kanyang timbang ay isasalikop lang niya ang mga daliri sa isang kamao, isang bagay na itinuro rin niya sa media.

“Mga 150 pa ako ngayon,” aniya.

Maaga pa lang sa ibaba ng Palazzo noong Linggo, ilan daang bisita ang dumating kabilang na ang PNP choir na kasama niya sa bible session ng isang oras mahigit. Nakinig ng misa si Pacquiao sa Christ the King church sa Hollywood.

Itataya ni Pacquiao ang 147 lb title kontra Bradley sa Sabado sa U.S. (Linggo sa Pilipinas) sa Las Vegas at kaya na niyang magpababa ng hanggang 147 anumang araw na piliin niya.

Umispar pa si Pacquiao sa Wild Card Gym kahapon at sa tanghali bago umalis tungong Las Vegas lulan ng isang bus kasama ng pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Samantala, tinapos na ni Bradley ang  training sa Indio, California at kahapon ay dumating na sa Vegas. Ang official weigh-in ay sa Biyernes (Sabado sa Pilipinas).

Ayon kay Pacquiao,  handa na siya sa laban at nabanggit na rin niya ang mga bagay na gagawin niya matapos ang sagupaan.

Pagkatapos ng laban ay mangangaral siya sa Las Vegas at mananatili pa siya ng matagal sa Los Angeles dahil sisimulan na niya ang shooting sa pelikula ni Rob Schneider at gaganap siyang isang kontrabida.

Plano rin ni Pacquiao na magtungo sa Jerusalem sa Hulyo at sinabihan na ang kanyang mga tauhan na maghanap ng eroplano na maghahatid sa kanya roon.

“He wants a 737 so he could bring all his friends along,” ayon sa miyembro ng Team Pacquiao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply