Pacman vs Mayweather, inaayos na

TINIYAK ni Filipino ring icon Manny “Pacman” Pacquiao kahapon na ang mega-fight sa pagitan nila ng unbeaten American Floyd Mayweather Jr ay nananatiling posible.

Matagal nang hinihintay ng fight fans ang mega-bout sa pagitan ng dalawang pound-for-pound kings, pero ilang isyu ang humahadlang sa laban para mangyari.

Pero para kay Pacquiao, ang laban ay mangyayari pero hindi pa ngayon.

“Hanggat hindi pa siya nagre-retiro at hindi pa ako nagre-retiro, there is always a chance na maglalaban kami talaga,” ani Pacquiao.

Sinabi pa ni Pacquiao na si Mayweather Jr., ang posibleng kasagupa niya para sa Nobyembre 10 na fight date.

Unang gustong sagupain ni Pacquiao si American boxer Timothy Bradley sa isang rematch sa petsa na iyan, pero ang laban ay lilinaw at minsan ay lalabo.

“Gusto ko ng rematch (with Bradley), of course.  Ang problema ay kung okay pa ba sa mga tao, okay ba sa mga fans, okay ba sa promoter,” aniya.

Idineklarang panalo si Bradley via split decision nang sagupain niya si Pacquiao noong Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Pero sa pagrebisa ng World Boxing Organization, ang panel ng 5 hurado ay naglabas ng unanimous score na pabor kay Pacquiao.

Bukod sa laban kontra Mayweather Jr., at rematch kay Bradley, si Pacquiao ay maaaring sumagupa kay Mexican rival Juan Manuel Marquez para sa ikaapat na pagkakataon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply