Pacmom hinimatay sa pagkatalo ni Pacman

MABILIS na kumalat sa internet ang larawan ni Mommy Dionisia Pacquiao na hinimatay makaraang matalo via split decision ang anak na si People’s Champ Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa kanilang laban sa MGM Grand Las Vegas, Nevada.

Nabigo ang Pambansang Kamao na depensahan ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kontra sa tinaguriang “The Desert Storm” na si Bradley.

Bagama’t ilang beses na nasapul ng Pambansang Kamao sa iba’t ibang parte ng katawan si Bradley sa pamamagitan ng kanyang mga solid left punches, ay talagang matatag ang undefeated na boksingero.

Dalawang hurado ang nagbigay ng 115-113 na score kay Bradley para tuluyang maagaw ang korona ni Pacquiao.

Kaugnay nang pagkatalo ni Pacquiao, samu’t saring reaksyon ang nakuha mula sa publiko na nagsasabing si Manny ang nagwagi kontra sa American fighter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply