Pacmom, nahilo lang at oks sa rematch

NILINAW ni Mommy Dionisia Pacquiao na hindi siya nahimatay ngunit bahagyang nahilo lamang ilang minuto pagkatapos ng laban nina People’s Champ Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Kahit bokal sa pagsasabing nais na niyang magretiro ang anak sa pagboboksing ay iba ngayon ang tono ni Mommy D.

Aniya, payag siya sa rematch ng anak laban sa undefeated na si Bradley.

Sa laban kahapon (Hunyo 10, petsa sa Pinas), ideneklarang panalo si Bradley at tuluyag nahablot ang titulong WBO welterweight champion.

Gaya ng maraming Pilipino, naniniwala si Mommy D na may nangyaring dayaan sa resulta ng laban kaya’t sang-ayon ito sa pagkakaroon ng rematch.

Tiniyak din ng tinaguriang Pacmom na manonood siya ng live sakaling matuloy ang rematch sa pagitan ng anak at ng American boxer sa Nobyembre.

Sa mga oras na ito, tanggap na ng Pamilya Pacquiao ang resulta ng laban.

Hinimok rin ng Pambansang Kamao ang kanyang mga tagasuporta na tanggapin at respetuhin ang naging hatol sa laban.

Maging ang misis ni Manny na si Jinkee ay napaiyak rin sa naging resulta ngunit tanggap na rin ang naging hatol ng mga judge.

Ani Jinkee, tanggap din at walang bitterness ang mga anak nila ng Pambansang Kamao dahil alam nila na si Manny ang tunay na nagwagi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply