Pacquiao ayaw na kay Bradley

WALANG agarang rematch na idaraos para kay Manny Pacquiao at bagong WBO welterweight champion Timothy Bradley, ayon kay  Top Rank promoter Bob Arum.

Sinabi ni Arum sa BoxingScene, “I don’t want to do a rematch. This fight was a one-sided fight. If it had been scored properly, 10-2 or 9-3 [in rounds], who would be asking for a rematch? – Nobody. Just because these officials screwed up, that doesn’t justify a rematch.”

Nagalit ang marami sa kontrobersiyal na desisyon sa labanang Pacquiao-Bradley kaya nais ng tagasuporta ng Pinoy hero na makaganti sa Amerikano.

Kaya naman wala nang tanggi pareho ang dalawang fighter para sa agarang rematch at makaganti pero sa halip ay Pacquiao vs Marquez umano ang magaganap.

Maging ang napababalitang Floyd Mayweather Jr., kontra Bradley na habang nasa 90-day jail term ang una ay tiyak na malabo dahil baka sumagupa si Floyd bago mag-2013 kontra Sergio Martinez o Saul Alvarez.

Nitong nakaraang araw, sinabi ni Bradley sa BoxingScene.com na kung hindi available sina Pacquiao at Mayweather Jr., si Amir Khan ang sasagupain niya.

Bagamat  ngayon ay jr welterweight siya, plano ni Khan na   umakyat ng welterweight.
Sa pakay na umakyat ng dibisyon, haharapin ni Amir Khan si WBC Jr Welterweight title holder Danny “Swift” Garcia sa Hulyo 14 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

“I prefer fighting Pac Man again or Floyd but if they are not available I would not have a problem getting (Lamont) Peterson’s sloppy seconds!” ani Bradley sa BoxingScene.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply