Pacquiao balik-Pinas sa Sabado

NAKATAKDANG dumating sa bansa mula sa Amerika si People’s Champ Manny Pacquiao sa Sabado matapos ang kontrobersyal na pagkatalo kay Timothy Bradley Jr.

Ang pagbabalik sa bansa ni Pacman ay kasabay ng malungkot na balita na pagdedeklara ng state of calamity sa bayan ng Glan, Sarangani Province.

Matinding nakararanas ng pagbaha ang lalawigan ng Pambansang Kamao dahil sa mga naranasang pag-ulan na dala ng masamang panahon.

Sa ulat, marami pang mangingisdang nawawala at patuloy na pinaghahanap sa nasabing lalawigan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply