Pacquiao-Bradley rematch malabo

TILA malabo na sa bukabularyo ni People’s Champ Manny Pacquiao na harapin pa nito si Timothy Bradley para sa rematch sa Nobyembre.

Si Bradley ang nakaagaw sa WBO welterweight crown ni Pacquiao sa laban nila nitong Hunyo 9 sa Las Vegas.

“Right now, the rematch is something that we’re not proceeding with,” ayon kay Todd duBeof sa programang boksing ni Jim Lampley sa “The Fight Game.”

Bagamat may rematch clause sa Pacquiao-Bradley fight contract, nilinaw ng 33-anyos na Pinoy Boxing Superstar na “it’s just an option” para sa kanya.

“It’s Manny’s choice. It’s his decision,” ayon kay Michael Koncz, chief adviser ni Pacquiao na idinagdag na sakaling maisipan na muli ni Pacquiao ang rematch ay depende rin naman sa demands ni Bradley.

Bilang bagong WBO welterweight champion na undefeated sa kanyang 29 na laban, tiyak na hihingin na ni Bradley ang ‘langit’ at garantisado sa premyong $10 million at mas malaking share sa pay-per-view sales.

Pero sa ngayon, hindi magagawa ni Bradley ang demands dahil seryoso ang Top Rank at si Pacquiao sa posibilidad na harapin si Juan Manuel Marquez para sa ikaapat na pagsagupa.

Anila, ang ikaapat na laban kay Marquez ay higit na mas mainam ibenta dahil sa ang nagdaan nilang trilogy fight ni Pacquiaio ay kontrobersyal at dikit ang laban.

Pero hindi sarado ang Pacquiao-Bradley fight, dahil kontrobersiyal pa ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply