Pacquiao dumating na, nagpasalamat sa lahat

NATALO man siya sa laban sa loob ng ring, pero naniniwala pa rin si Pinoy boxing icon Manny Pacquiao na nananatilil siyang panalo sa mata ng Diyos at sa kababayan niyang Filipino.

Dumating kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport si Pacquiao, isang linggo matapos matalo ni American Timothy Bradley.

“Okey lang. Sa puso ng Diyos at sa puso ng masang Pinoy, ako pa rin ang panalo,” aniya nang magpasalamat sa suporta at panalangin.

Ayon kay Pacquiao, hindi masama ang loob niya nang matalo kay Bradley.

“Walang problema sa akin. Sa iniisip kong walang nawala sa akin,” aniya nang tanungin kung may naramdaman siyang iba ngayon na indi niya naiuwi ang championship belt.

Pinasalamatan niya ang mga Pinoy sa kanilang suporta at panalangin at hinikayat ang marami na tanggapin na lamang ang nangyari.

“I really thank you for your support, but let’s just forget what happened and accept it wholeheartedly. God has a good plan for us; plan to prosper us and not to harm us; plan to give us hope in the future. God is good all the time,” aniya.

“I’m so happy and excited because God has a good plan for me. My plan may not be good but His plan is good and I’m excited for that,” dagdag niya.

Hindi tulad sa nakaraan, ang arrival statement ni Pacquiao ay sinundan ng panalangin ng pastor mula sa General Santos City.

Isang welcome banner na nakasaad ang mensahe na,  “Welcome home Manny, ang aming kampeon [our champion],” na pagbati sa kanya sa airport.

Isa pang banner ang nakasulat ay, “Manny Pacquiao, boxer of the century.”

Winelcome din siya ng ilang mga malalapit na kaibigang pulitiko. Hindi gaya ng mga nakaraan niyang pagbabalik, nagkakagulo ang marami at dinudumog siya, kapansin-pansing kakaunti ang bumati at dumumog sa kanya.

Sinabi na lang ng kanyang mga close friend na, “Ganyan talaga, talo siya e. Pero kapag panalo [That’s the way it is. He lost. But if he won], lahat gusto siyang malapitan, makamayan at magpapiktyur sa kanya. Kaya naniniwala ako na malalaman mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan kapag down ka.”

Sinabi ng Kongresista na nagpasya siyang umuwi para asikasuhin ang kanyang mga kababayang nasalanta ng flash floods nitong nakaraan sa Saranggani.

“I decided to return to my province because my constituents are there, they were affected by floods. They need my help,” aniya.

Idinagdag niya na nauna na siyang umuwi at iniwan ang kanyang mag-iina sa Amerika para asikasuhin ang trabaho niya bilang mambabatas.

Babalik umano siya sa U.S. sa sandaling makatulong na siya sa kababayan niya.

“Babalikan ko sila roon kapag tapos na ang problema sa Saranggani,” dagdag niya. Ang Saranggani ang isa sa pinakamatinding lugar na sinalanta ng flash floods.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply