Pacquiao, hinangaan sa Senado

KAHIT hindi maitatagong masama ang loob, hinangaan pa rin ni Sen. Pia Cayetano si Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa pagkatalo nito dulot nang ipinamalas na pagkukumbaba at katatagan sa kabila ang pagkatalo kay Timothy Bradley nitong Linggo.

Bukod kay Cayetano, lubhang “nagulantang”din sina Sen. Bongbong Marcos at Sen. Chiz Escudero sa naging hatol ng hurado na split decision kahit kitang-kita naman na panalo ng pambansang kamao.

“Wala akong masyadong alam sa boxing rules upang batikusin ang mga judge sa Pacquiao fight, ngunit nakikidalamhati din ako sa kalungkutan na nadama ng buong sambayanang Filipino,” ayon kay Cayetano.

“But as an athlete, I say this to Manny Pacquiao, once a champion, always a champion. Respect and adoration of Filipinos continue,” dagdag ng senador na isang kampeon sa triathlon.

“Painful as it is, the champion reveals himself and endears himself even more when he handles his loss with grace and humility. Mabuhay ka, Manny!” giit pa ni Cayetano.

Tulad din ni Cayetano, naniniwala din sina Marcos at Escudero na madaling maka-recover si Pacquiao at magiging mas mahusay siyang boksingero sa kabila ng kontrobersiyal na pagkatalo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply