Pacquiao pupulbusin si Bradley

MARAMI sa Pinoy boxers ang pumupusta kay Manny Pacquiao at tinitiyak nila na pupulbusin ng Filipino boxing icon si junior welterweight king Timothy Bradley sa Hunyo 9 (Hunyo 10 sa Pilipinas) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

“Manny’s too fast, in fact, I couldn’t think how Bradley could keep pace with him,” ayon kay World Boxing Organization flyweight champion Brian Viloria nang saksihan ang isinasagawang training ni Pacquiao sa Wild Card Gym.

Idinagdag ni Viloria na ang dami ng karanasan sa giyera ni Pacquiao ang pinakamatinding asset ng Pinoy champ.  “Manny has fought all the greatest fighters in this generation in all the divisions he had been fighting. And he has brains, too.”

Para naman kay dating bantamweight at featherweight champion Gerry Peñalosa, si Pacquiao ang pinakamabilis na fighter at pinakamalakas ding sumuntok.

“Bradley is fast, but he will get dizzy chasing Manny. And if he finally catches up with Manny, he would be tired and would crumble to Manny’s punching power,” ayon kay Peñalosa.

Ikinumpara ni multi-awarded boxer Luisito Espinosa, na ngayon ay nakabase sa San Francisco ang sarili kay Pacquiao at nagsabi na noong kapanahunan niya siya ay kinokonsiderang malakas at mabilis pero nakahihigit ngayon si Pacquiao.

Sa kabilang banda, walang duda ang punching power ni Pacquiao, ayon kay 1996 Olympics bronze medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco. Aniya, hindi kayang tapatan ni Bradley ang bilis at lakas ng Pambansang Kamao.

“It will be easy for Manny to beat Bradley. He is in the best condition. He does not get tired and that is what would make him win,” ani Onyok.

Ang lahat ng apat na boksingero ay nag-predict na magwawagi si Pacquiao kontra Bradley sa bisa ng knockout sa ikaapat o ika-anim na rounds.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply