Pacquiao talo

TULALA, tigagal, napanganga,  hindi nakakibo ang buong mundo at hindi makapaniwala ang lahat ng manonood sa jampacked MGM Grand Garden Arena nang ibigay ang split decision win sa bagong WBO Welterweight champion Timothy ‘Desert Storm’ ang korona at mahubaran ng titulo at mabawasan ang walong korona ni Manny “Pacman” Pacquiao sa naturang kampeonato bunga ng hindi makapaniwalang mangyayari iyon sa kanilang iniidolong Filipino champ mula pa sa paghahari noong 2005.

Nagkatotoo ang pangako ng iyaking si Bradley na maitatakda ang rematch nila ni Pacquiao sa Nobyembre.
“I got to give him a rematch now,” ayon sa unbeaten boxer na si Bradley.

Sa kabila ng malilinis na upak na pinakawalan ni Pacquiao, natalo pa rin ito matapos na ang dalawang judges ay pumabor pareho kay Bradley.

Nagbigay sina Judges Duane Ford and CJ Ross ng 115-113 pabor kay Bradley, habang si Jerry Roth ay ay nagbigay ng   115-113 para kay Pacquiao.

Aminado si Bradley na talagang nasaktan siya ni Pacquiao lalo na nang ipalasap sa kanya ang kaliwang kamao.

“Pacquiao is a tough, tough warrior. This guy can punch, he has speed. He has everything, all the tools,” buong paghanga niyang sinabi rito.

Bagamat pumabor ang mga hurado kay Bradley, iba ang compubox punch statistics na lumabas, higit na maraming suntok na pinakawalan si Pacquiao kaysa  kay Bradley.

Nakapagpakawala ng solidong upak si Pacquiao ng 253 kumpara sa 159 ni Bradley.

Ipinakita rin na si Pacquiao ay nakaupak ng solido mula sa 10 hanggang 12th rounds.

Nahiya naman umano si Boxing promoter Bob Arum, na siyang humahawak pareho sa career nina Pacquiao at Bradley sa kinalabasan ng resulta ng laban.

“I’ve never been as ashamed of the sport of boxing as I am tonight,” ayon kay Arum.

Naitakda na rin ng promoter ang Nobyembre 10 na face-off ng dalawa.

“I’ll make a lot of money off the rematch, but this was outrageous,” dugtong ni Arum.

Sa panig ni Pacquiao, hindi rin siya makapaniwala sa kinalabasan ng naturang laban.

“I did my best,” ayon sa Pinoy icon. “I guess my best wasn’t good enough,” pag-amin pa niya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply