Pacquiao wagi vs Bradley via unanimous — WBO

VIA UNANIMOUS DECISION si People’s Champ Manny Pacquiao ang nanalo sa kontrobersyal na laban nila ni Timothy “Desert Storm” Bradley noong June 9 sa MGM Grand Las Vegas Nevada.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng World Boxing Organization.

Nag-imbestiga ang WBO sa nasabing kontrobersyal na laban makaraang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang naging resulta nito kung saan naagaw ni Bradley ang WBO welterweight championship kay Pacman.

Batay sa inilabas ng resulta ng WBO na nakaposte sa website ng Ring TV, muling pinanood ng five-man panel ang nasabing laban at pumabor ang limang judge kay Pacman.

Ang mga iskor ay 115-111, 116-112, 117-111, 118-110, 117-111, kung saan pumabor ang mga judge kay Pacquiao sa walong rounds.

Gayunman, hindi na mababawi pa ang belt sa American boxer dahil tanging ang Nevada State Athletic Commission (NSAC) ang may kapangyarihan sa kontrobersyal na laban.

Tanging rematch na lamang ang kanilang maibibigay sa Pinoy Boxing Champ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply