Pag-alis ni Koko sa UNA, igalang – solon

IGINAGALANG ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Kamara ang tuluyang pag-alis ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel sa nasabing partido.

Ang pagtiwalag ni Pimentel sa UNA ay dahil na rin sa ayaw nitong makasama si dating Sen. Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay UNA Secretary-General at Navotas Rep. Toby Tiangco, wala silang magagawa sa naging desisyon ni Pimentel at ito’y kanila namang iginagalang.

“We respect Sen. Koko’s decision and we wish him luck in all his endeavors.  We must, however,  move on and I’m sure that for other aspirants this additional vacancy for the senatorial line-up in the UNA slate is a welcome development,” ani Tiangco.

Ang UNA ay isang koalisyon na binuo nina Vice President Jejomar Binay’s (PDP-Laban) at dating pangulo President Joseph Estrada ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP).

Sinabi pa ni Tiangco na kung matatalo si Pimentel ay kawalan ito ngunit kung mananalo naman ito bilang independent candidate ay hindi ito kawalan para sa UNA.

Dagdag pa ni Tiangco, ang pag-alis ni Pimentel  sa UNA ay nagbigay daan para sa ibang nag-aasam na mapabilang sa kanilang partido.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply